Lunes, Disyembre 30, 2013

NSFW..na araw [NotSoFeelingWell]

Ika-11 ng Disyembre 2013
Aking Talaarawan,

                   Hello aking blog!Alam mo nakakainggit ka kasi hindi mo nararanasan yung mga nangyayari sakin ngayon.Kahit na yung nagdadasal ka na sana mag-uwian na agad.Naku nakakaasar yung mga pangyayari ngayon late na nga ako,wala pa kong upuan!Medyo masama yung pakiramdam ko ngayon pero pumasok parin ako kailan kasi meron kaming mga pagsusulit sa ibang asignatura.At tsaka yung kapareha ko para sa practicum namin sa TLE ay lumiban buti nalang pumasok yung isa kong kaklase na wala pang kapareha at natapos din namin yun.
                Dahil nga sa masama ang pakiramdam ko dahil sa kamoteng sipon na to,ay umuwi ako agad.Pagkatapos ay nagpahinga na ako tinapos ko muna yung takdang-aralin na ibinigay sa amin ni Maam Bering.Para tuloy-tuloy na ang pagpapahinga ko.Haaaayy ang hirap talaga magkasipon.:'(

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento