Biyernes, Disyembre 27, 2013

epic Fail na araw! @_@

Ika-09 ng Disyembre2013

Aking Talaarawan,

               Hay naku naman!super pressured na masaya na na nakakainis ang naranasan ko ngayon kasi po pagkatapos ng Chemistry at oras na para sa english ay nagsilipatan na ng upuan ang mga kasamahan ko sa likod.Dalawa nalang kaming natira tapos lumipat nalang din kami.Ang saya ng english namin may kahon kasi na pinaikot si mam Bering at habang pinapasa yun ay kumakanta kami at kung kanino huminto yung kanta sya yung magrerecite!Haha yung dapat na pasa-pasa lang ay naging batuhan!Nagkaroon naman kami ng kaunting  pagsusulit sa filipino dahil wala ang aming guro.sa oras naman po ng aming T.L.E ay problemado ako dahil hindi nga ako nakabili ng wire para sa practicum namin buti nalang may extra yung kaklase ko at pinahiram nya sa akin yun.Ang hirap gumawa non kaya sabi ni maam bukas nalang.Pag-uwi namin ay naisip namin ng kapareha ko na ngayon nalang namin gawin ang tle namin nung malapit ng matapos nalamn namin na wala palang tle bukas dhil kaunti lng ang oras bukas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento