Banaag at Sikat ni Lope K. Santos
Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas naginhawa sa buhay.Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya samga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama,siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa dating pinapasukan sa Maynila athinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyasat lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig.Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala angpamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taongnagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sakaralitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasing radikal nito.Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin samarahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga taoupang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sapamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walangkapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salatsa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan niDelfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa.Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila itonaipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin. Saamuki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalitnagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; siMeni ay hindi pinagmanahan.Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ngkanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ngkanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan.Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ngpera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento