Martes, Pebrero 25, 2014

Kain na nga lang ako!

Ika-07 ng Enero 2014

Aking talaarawan,
                 Helloo!hay ano nga bang iba ngayon?wala naman sensya na blog ha medyo badvibes lang kasi si ako e,haha medyo baliw lang?Simula unang subject kasi napagalitan na ako ni maam eawan ko ba kung bakit?Tas dagdag pa yung mga kasama ko na wagas makaasar naiinis na nga ako lalo pa akong aasarin kalowka.Eniweys masaya naman yung mga naging talakayan namin kahit medyo maingay ay hindi pala medyo napakaingay.Kaya hinintay ko nalang mag-uwian para bawas sama ng loob.At dinaan ko nalng to sa pagkain ng marami.Kung araw araw ba naman akong badtrip edi sana mataba na ako hahaha.Nga pala andami na namang takdang aralin ngayon babay!

Fast FORWARD na nga !

Ika-06 ng Enero 2014


Aking Talaaarawan,
               2014 na pala at unang pasok namin sa taong ito.Ano kaya ang bago?o may nabago ba?Normal naman ang mga pangyayari ngayon,nakss!At gaya parin ng dati Late parin ako,HAyyysss new year's resolution ko pa naman na gigising na ako ng maaga at hindi na magpapahuli sa klase...Alam mo yung feeling na pagdating mo saktong kakasara lang ng gate at hayaan mo na madami naman akong kasama e.At kaya naman pala madami kaming nahuli e maaagang nagu-umpisa yung Flag ceremony,5:30 sila nagsimula na dati ay 5;45 ahhhh kaya pala pero sabi naman ni maam hindi daw kami late yehey!!
Kanya-kanyang kwentuhan at inggitan,tanungan kung magkano ang napamaskuhan at kung anu-ano pa!